July 23, 2013
Nagagawa ng puyat

I heard a knocking at the door, reminding me that I have stayed long enough.

I now have to answer these questions:

Am I still happy with what I am doing?

Does this still contribute to the greater plan?

And where should I head next?

#puyatlang

4:50pm  |   URL: http://tmblr.co/Zq8WNxqPrYtE
Filed under: work reflection 
July 18, 2013
Ano ba talaga, Sab?

Ang hirap naman mag-desisyon kung ano ba talaga gusto ko mangyari sa career ko in about five to ten years. Naguguluhan kasi ako sa dami ng pwedeng puntahan. Pero di ko rin naman masagot kung ano ba talaga ang makakapagpasaya sa akin na trabaho. Sa ngayon eh okay lang ako kung ano meron. Natutustusan ko na naman kasi ang mga pangangailangan ko at nakakatulong sa pamilya ko. Siguro dahil sa pakiramdaman na nagagampanan ko naman ang responsibilidad ko sa pamilya ko ngayon eh kuntento muna ako sa kung anong career meron ako. Although may times na nagigipit talaga ako eh sapat lang ang sweldo ko para sa lahat.

Gusto ko mag-abroad. Nakakainggit yung mga ka-batch ko na nasa ibang lugar na at sobrang laki na nang mga sahod kumpara sa akin. Kung iisipin ko nga eh halos mas magaling pa ako sa kanilang lahat nung nasa kolehiyo pa kami. Haha! Joke! Di naman lahat. Sa tuwing nakikita ko mga posts at pictures nila sa FB, alam kong nanghihinayang ako para sa sarili ko. Alam ko kasi na kung ano ang narating nila eh kayang kaya ko rin abutin. Pero tanong ko sa sarili ko ngayon, kaya ko ba talaga? Kaya ko ba ngayon na mag-apply at magtrabaho sa abroad? Iniisip ko saan naman ako kukuha ng extrang pera pang-apply at panggastos kung sakali man na duon na ako titira at magta-trabaho. Hindi ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho kasi pinag-aaral ko pa yung bunso kong kapatid. Mabuti na lang nga eh patapos na yung isa pa. Kahit papaano eh makakaluwang na rin ako pagka-graduate niya. Pero yung bunso eh kakasimula lang, so apat na taon pa ulit akong nakatali sa pagpapaaral. Alam kong mahirap pero hindi ko naman kasi pwedeng kalimutan at hindi sila tulungan makatapos. Alam ko kasi ang pakiramdam at pag-iisip ng taong nakapagtapos ng kolehiyo. At mga kapatid ko sila. Wala nang tutulong sa kanila kundi ako. Tsaka hindi lang naman sarili nila ang tinutulungan ko, pati na yung magiging pamilya nila. Kaya sana lang eh pagbutihan nila yung pag-aaral nila. Iyon na lang yung kapalit ng lahat ng paghihirap ko para sa kanila.

Medyo lumilihis na ako sa topic ko na pag-a-abroad. Ayun, makakaalis lang ako ng bansa kung may ipon ako na sobrang laking pera. Napakadaling isipin na yun lang ang humaharang sa akin pero yun naman talaga ang problema ko sa una pa lang. Pera!

Sab, 7/18/2013 12:26am

June 11, 2011
"Simplicity works best!"

Liked posts on Tumblr: More liked posts »